HUNYO | Para mapawi ang tortyur

HUNYO | Para mapawi ang tortyur

????

Tortyur. Diyos ko po, ang pagpapahirap! Hindi kuwento ng kahapon ang pagpapahirap. Sa kasamaang palad, bahagi ito ng ating kasaysayan ngayon. Paano nangyaring ganito kalaki ang kakayahan ng tao para sa kalupitan? May mga napakarahas na uri ng pagpapahirap; mas sopistikado ang iba tulad ng mapang-abusong pagtrato, ng pagiging manhid at walang puso sa kalagayan ng iba o ang pagkulong sa napakaraming tao sa di makatong kondisyon, na nilalabag ang dignidad ng mga tao. Pero hindi na ito bago. Isipin natin si Hesus mismo, kung paano siya pinahirapan at ipinako sa krus. Itigil na natin itong lagim ng pagpapahirap. Mahalagang igalang ang dignidad ng tao bilang pangunahin. Kung hindi, parang hindi na tao ang mga biktima, mga 'bagay" lang na pinagmamalupitan nang walang sukat, kahit magdulot ng kamatayan o permanenteng sikolohikal at pisikal na pinsala habambuhay. Ipagdasal natin ang pandaigdigang komunidad na italaga ang sarili sa konkretong pag-aalis ng tortyur, na ginagarantiyahan ang suporta para sa mga biktima at mga pamilya nila.

Advertisement

LEAVE YOUR COMMENT

More Catholic Videos